F=MA. Pwersahan.

Since recently I’ve been discovering the merits of honesty, I’m going to be straight about this — I’ve been meaning to write. Really. More than those two-line combos I scribble during classes, more than those ”What do I expect from this subject” paragraphs. I’ve been meaning to write. I’ve been wanting to, more importantly.

Not that there isn’t anything to write about. (Hypothetical) God knows how great the past few weeks have been, some days better than most, some aching to be documented through a poem or two. It’s just that..

Putangina, ‘di ko rin alam kung bakit. Gusto ko magsulat. Gusto ko punuin ‘to, seryoso. Sa palagay ko kasi, hindi sapat ang laman ng pahina na ‘to.

Kailan ba nagiging sapat ang mga salita sa isang pahina? Sapat na nga ba ang mga salita? At kung hindi, paano natin napupunan ang kulang, ang wala?

Ang gulo rin ano — kung kulang ang nasasabi, delikado dahil baka walang mapaabot na mensahe. ‘Pag sobra sobra naman, parang gusto mo tumalon ng footbridge sa katangahan, sa pagkahiya sa sarili, tulad ng araw-araw kong naiisip gawin kapag — Ah, nevermind.

E, basta. Hindi daw hinahanap ang tula. Tulad ng pag-ibig, ito’y dumarating sa’yo.

Ay, baliktad ata.

Ewan. Balang araw, mapupuno rin ito. Hindi na puro kababawan. Hindi na rin puro tula (?) tungkol sa’yo. o sa’yo. Malaki ang mundo, maraming kwentong nag-aabang lang sa tabi-tabi. Hindi lang natin napapansin kasi masyado tayong nasanay sa kasinungalingan na hindi na mahalaga yung mga bagay na nadadaanan natin, ‘yung lumipas na, o kaya naman ‘yung ibang alternatibong daan patungo sa — eh, kung alam mo na kung saan, dun. Ibahin kaya ang daan, at iligaw ang sarili sa samu’t-saring eskinita kung saan may bagong tao, bagong pananaw?

Sabi nga ng propesor ko kahapon, ang panitikan daw ay mas malalim, mas malawak pa sa kung ano ang nakahain sa atin, sa kung ano ang nakalimbag.

Applying that excuse  logic, sabihin na lang natin na mahahanap rin ng mga kathang-isip ko ang daan patungong WordPress — palabas ng mga margin ng notebook. Palabas ng mga love letter na isinisingit ko sa mga upuan ng bus. (Malay mo, makarating, hindi ba?) Palabas ng mga halos hindi ko na maintindihang sulat sa mga sketchpad. Palabas ng mga stream-of-consciousness style declamations tuwing lasing may inuman after (o before) class. Palabas ng mga vandal. Palabas ng mga tweets.

Palabas ng isip, papasok uli. Balang araw. Tiwala lang.

Advertisements

4 thoughts on “F=MA. Pwersahan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s