closure

i. desire gives us a sense of time. — Levinas, according to a classmate’s Philosophy notes

ii. tama. siguro. baka. parang ganito:

iii. limang buwan na ngayon. pero depende na rin siguro ito sa kung anong konsepto ng oras – at sa paglipas nito – ang pinaghahawakan mo. pepwedeng bawat apat na linggo, tulad ng ginawa ko nung simula, nung mga unang araw, unang linggo, unang buwan. halimbawa: uy, pang-apat na Sabado na. isang buwan ka ng wala.

iv. pepwede rin namang ayon sa kung anong araw sa kalendaryo naganap ang pangyayari, tulad ng ginawa natin, nung andito ka pa.

v. ito ay kung binabalikbalikan mo rin ba ang oras tulad ng ginagawa ko.

vi. ito ang problema natin: delikado ang epekto sa atin ng katahimikan. kinakailangan kasi nating mag-imbento ng kabilang dako ng pag-uusap kapag naiwan na tayong mag-isa.

vii. madalas, mukha tayong sira-ulong kinakausap ang sarili. nagbabakasakali.

viii. sa totoo lang, siguro nga. wala na kasing dahilan para manatiling rasyonal. mas masarap magpakahibang.

ix. “Goodnight, b!” ipadala sa sarili. kunwari galing sa’yo.

x. ang problema: halos wala na rin akong maalala. hudyat ba ‘to na patapos na ang kalbaryo?

xi. minsan, hindi ko na mapagkaiba ang mga totoong nangyari sa mga produkto lang ng imahinasyon ko.

xii. tulad nito, paulit-ulit, hanggang ngayon: isang hapon. sa isang bus. sa isang tulay sa may Balintawak. hawak mo ang kanang kamay ko at naglalambing ka na parang bata. inis na inis ako.

xiii. ito ang huli: isang Sabado ng gabi, tulad ngayon. isang desperadong tawag sa’yo at ang pagtawa mo. “Wala na akong masabi, eh.”

xiv. “Umiiyak ka ba?”

xv. “Hindi.”  Baka kasi sabihin mong para akong bata.

xvi. “We’ll stay friends.”

xvii. (ang pagtatago sa ilalim ng kumot ng dalawang linggo hanggang akalain nang patay ng mga kaibigan)

xviii. pangalawang buwan. “Waiter, isang bucket pa please!”

xix. dalawang buwan at tatlong araw. nakilala ko siya. saglit kang nawala sa isip.

xx. …ngunit bumalik rin kasi hindi pala posible. hindi pala ganun kadali.

xxi.  pangatlong buwan. may mga nakatago na akong linya sa isip ko sakaling makasalubong ka. parang ganito:

xxii. “Kumusta ka?”

xxiii. “Maayos naman.”

xxiv. *end of interaction*

xxv. apat na buwan. isang mensahe para sa’yo through text. “I’m sorry for..”

xxvi. walang sagot. “Putangina naman Bash, ganyan ka ba katigas?!”

xxvii. kanina, naalala kong limang buwan na: hindi ka na babalik.

xxviii bakit ngayon ko lang ‘to naisip.

xxix. siguro oras na para tumigil sa pagbilang.

 

 

Advertisements

2 thoughts on “closure

  1. Naleen says:

    This one really got me!
    I am glad someone great enough managed to put these thoughts into wonderful words.
    Write more lady B.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s