Fin.

1. https://beatricetulagan.wordpress.com/2012/08/04/364/

2. https://beatricetulagan.wordpress.com/2012/08/04/366/

3.

JAM Bus Liner, Cubao

They had to chase a bus down for them to get on the last trip to Los Banos that morning.

**

Global City, Taguig

**

Gateway, Cubao

“Hey.” he says breathlessly, crashing into the seat next to her. It was the first time she saw him up close. He smiles apologetically. He was late, and although this was a habit that will annoy her for the first few weeks, she will learn to live with it, because of that sheepish smile.

“I thought you went up to the mountains to join your comrades.”, she teases him.

**

 

Wala na akong maalala. Hindi na kasing lakas yung kapit mo, tulad ng dati.

Dati, kapag nadadaan ako sa mga lugar na napuntahan natin, parang isang eksena sa teleseryeng hindi mo pepwedeng ‘wag pansinin. Puro multo kasi. Yung tipong mukha ka nang gago dahil nakasanayan mo nang tumigil bigla sa paglalakad at tumulala habang pinapanuod sa utak mo yung mga pangyayaring dapat mo na talagang ibaon pero sa kung ano mang rason ay hindi mo magawa. Para bang reenactment, replay, yung “ang nakaraan” bago magsimula yung palabas. Ganun. Ngayon, kailangan ko pang hulihin yung sarili ko at tanungin kung bakit wala ka na sa isip ko.

Wala na rin yung udyok ng imahinasyon kong gawin kang (tayong) imortal sa pamamagitan ng pagsusulat. Totoo nga, ilang (hindi tapos na) istorya at (isinulat sa tissue paper kaya nawala) tula na ang nagawa ko, matanggal ka lang sa sistema ko. Pagpupurga ba. Mukhang natanggal ka na nga kasi hindi na ko makapagsulat tungkol sa’yo. Huli na siguro ‘to. Wala na akong maramdaman. Nakakapanibago minsan kapag napagtatanto kong naka-recover na nga ako sa ngayon. Ilang buwan din kasi yung pagmumukmok ko. Sa mga normal na araw, hindi naman gaano kasama, papasok ka lang sa isip at mananatili ng saglit, kumbaga ba’y dumadalaw. Pero nagkaroon din ng mga araw na sobrang lakas ng hila sa’kin pababa ng lupa. Yung pucha, gagawin ko talaga lahat magkaroon lang ng time machine at ayusin lahat ng kagaguhang nagawa sa’yo.

Madami-daming realization. Yung iba kalokohan lang pero ito yung iba: wala sa oras. Walang basbas ng langit. Wala sa hulog. Ang pinaka-importante sa lahat ay yung katotohanang wala naman talagang may kasalanan. Hindi ikaw, hindi ako. Masaya na rin ako para sa’yo, sa inyo.

Sige na nga. Para sa sarili ko na rin.

Tapos na siguro ang kalbaryo. Mabuti naman. Sa wakas.

Advertisements

One thought on “Fin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s