Hamog

“Hindi.” sabi niya, pabulong. Isang biglaang sambitla na siya lang naman ang nakakaintindi.

 

Ganito siya lagi kapag nag-aalinlangan, bigla-bigla magsasalita, tapos mananahimik. Ang sarap niya panoorin. Nakakapanibago. Sa daldal niya, napakadalang niya maubusan ng sasabihin. Ngayong gabi, para bang kulang pa ang mga salita sa nais niyang iparating. Saktong salamin ng nararamdaman ko.

 

“Sasabihin ko na ba? Ano kayang reaksyon niya?”, tuloy pa niya. Para siyang sira-ulong kinakausap ang sarili. “Paano na ang hinaharap?”

Anong klaseng kaibigan naman kaya ako kapag sinabi kong ‘wag, ‘di ba?

“Edi sabihin mo!” bulong ko pabalik, sabay hitit ng yosi, sabay tulala. Tumayo siya, tumingin sa langit at bumuntong hininga.

“Sige, bukas.”

Please Lord, ‘wag po. “Sigurado ka ba?”

Tumingin siya sa akin, ngumiti na para bang nang-aasar. “Selos ka, ano?”

“Oo. Nagseselos ako.” Diretso, walang alinlangan. Isang buong minutong titigan, sumilab ang mga nahulog na upos at unti-unti ring namatay.

“ ‘Wag. Walang ganyanan, gago.” sabay hampas sa balikat ko. Bumaliktad na yata ang tanong. Sasabihin ko na ba?

“ ‘Di, joke lang yun ‘no.” Sabay tumingin ako sa kanya at nag-taas ng kilay. “Ikaw? Yuck! Hahaha!”

 

Buti na lang at gabi, hindi niya kita ang pagkabalisa ko. Pero siya rin, hindi ko rin siya nakikita. Kwits lang e. Kailan mo ba kasi talaga tunay na makikita ang isang tao? Posible ba? O kailangan lang talaga natin makuntento sa pagsasayaw ng mga anino?

Ngumiti siya sa akin. “Joke daw. Aminin mo na! Haha!”

Parang kumot na bumalot ang katahimikan. Sabi nila, para makaiwas sa isang tanong, tumahimik ka lang; hayaan mo silang hulaan ang sagot, hindi nila malalaman. Pero ngayon, mukhang iba ang ihip ng hangin.

 

“Ano, uhh, una na ‘ko, may test pa ‘ko bukas e.” Nanginginig ang mga kamay, pinulot ko ang bag ko at isinukbit sa aking balikat. “Sige, bukas na lang uli.”

Huwag muna ngayon. Siguro, hindi pa panahon. Dire-diretso ang lakad ko, para bang gustong makatakas.

 

“Oy!” sigaw niya. Ayaw ko man, hindi ko napigilan ang sarili kong lumingon pabalik. Badtrip. Hindi ko siya matiis.

“Ano?” tanong ko. Wala na akong nakikita kung hindi ang mahaba niyang buhok, binibigyan ng sariling buhay ng hangin.

“Duwag ka.”

Isang marahan na tawa na lang ang isinagot ko bago tumalikod. “E ikaw nga, may pabukas-bukas pang nalalaman.”

 

Nagpatuloy ako sa paglakad, nasabi ko na, at bahala na. Hiniling kong sana may palad na dumapo sa balikat ko, pero wala.

 

Kay lamig ng gabi.

 

 

 

————-

too busy to blog about what is keeping me busy ergo here is a collab with my guy bestfriend Vinch from June. We wrote this while drinking after school because that’s how badass/nerdy we are.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s