LOA

Saglit lang naman ang hinihingi kong panahon, eh. Buhay pa naman (ata) ako, naliligaw sa mga eskinita, mali-mali ang sinasakyan, pero nakakauwi pa rin naman ng buo. Amoy pawis, amoy aspalto, amoy gulo. Minsan may konting galos pero madali namang remedyuhan ang mga sugat natin dahil sila mismo ay naghihilom mag-isa. Tayo rin.

Sabi ko nga tuwing nangyayari ‘to, mabuti na rin na naguguluhan tayo, ibig sabihin tayo’y nag-iisip pa rin. Mabuti nang hindi tayo tuluyang nakukuntento, para hindi tayo pamahayan ng alikabok. Mabuti nang may nakikita, naaamoy, nahahawakan, nararamdaman — para walang humpay ang udyok nating labanan ang pagkalimot sa pamamagitan ng bawat titik, ng bawat salita, ng bawat pahinang naisulat.

Konting panahon lang. Wala na kasing pinupuntuhan at pinatutunguhan, kailangan na atang mauntog at matauhan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s